
Humihirit si Senator Imee Marcos kung bakit ang mga senador ang pinupuntirya sa maanomalyang flood control scandal.
Giit ni Sen. Imee, ang kanyang pinsan na si dating Speaker Martin Romualdez ang pinagmulan ng lahat ng kontrobersiya sa flood control projects.
Tinawag ng senadora na si “Bonjing” at ang opisina nito ang pinagmulan ng isyu, na ang tinutukoy ay ang kanyang pinsan na si Romualdez.
Samantala, nakatitiyak naman si Sen. Marcos na sa susunod na linggo ay masasampahan na ng kaso ang ilang senador na iniimbestigahan kaugnay ng umano’y pagkakadawit sa flood control scandal.
Naunang sinabi ni Sen. Marcos na sa January 15 ay isasampa ang mga kaso matapos niyang makita ang draft resolution ukol dito.
Kabilang aniya sa draft na pakakasuhan sina Senator Joel Villanueva, Senator Jinggoy Estrada, at dating Senator Bong Revilla.










