Friday, February 27, 2026

Senador, sinimulan na ang evaluation at verification ng 18 dating sundalo na umano’y naghatid ng male-maletang pera sa ilang matataas na opisyal ng gobyerno

Inumpisahan na ni Senate President pro-tempore Ping Lacson ang evaluation at verification sa 18 mga dating militar na lumantad at umaming naghahatid ng male-maletang pera sa ilang matataas na opisyal ng pamahalaan mula sa utos ng dati nilang boss na si dating Cong. Zaldy Co.

Ayon kay Lacson, bago pa man ang paghahain ni Senator Imee Marcos ng resolusyon para paimbestigahan ang money delivery scheme na ito ng 18 dating militar ay nagsagawa na siya ng paunang beripikasyon sa mga sundalo.

Kailangan muna aniyang suriin ang reliability at credibility ng nilalaman ng affidavit ng mga dating sinasabing Marine personnel at ang source ng impormasyon ng mga ito bago makapagpatawag ng pagdinig ang senador.

Nauna na ring sinabi ni Lacson na sumulat na siya sa Philippine Navy at sa Philippine Army para alamin ang records at background ng mga nagpakilalang dating sundalo.

Ibinabangga na rin ng kanyang komite ang P805 billion na deliveries ng mga dating sundalo kung saan malalaking halaga umano rito ay idineliver kina dating Speaker Martin Romualdez, Pangulong Bongbong Marcos at ilang mga dating matataas na opisyal.

Dagdag ni Lacson, naisumite na sa kanyang komite na Senate Blue Ribbon Committee ang Senate Resolution 317 ni Sen. Marcos para siyasatin ang nasabing isyu.

Facebook Comments