Senador, sinita ang DepEd sa Educational Service Contracting Program para sa mga mahihirap na estudyante

Ikinagulat ni Senate Committee on Basic Education Chairman Senator Sherwin Gatchalian na karamihan sa mga benepisyaryo ng programa para sa mga mahihirap na mag-aaral ay hindi talaga mula sa mga mahirap na pamilya.

Tinawag ni Gatchalian ang natuklasan na hindi makatarungan matapos na masuri na ang mga benepisyaryo ng Educational Service Contracting (ESC) ay mula sa non-poor households.

Ang programa ay may layong bawasan ang pagsisikip sa mga public junior high school kung saan sa ilalim ng programa ay babayaran ng pamahalaan ang matrikula at ibang bayarin ng mag-aaral na mapipiling benepisyaryo mula sa pampublikong paaralan para makapasok sa private school na kinontrata ng Department of Education (DepEd).


Sa ginawa pang pagsusuri ng opisina ng senador, tinatayang umabot na sa P8.6 billion ang pondong napunta sa mga hindi mahihirap sa ilalim ng ESC program.

Tiniyak naman ng Government Assistance and Subsidies Office (GASO) na aayusin nila ang guidelines ng programa upang matiyak na tunay na mahirap at deserving na estudyante ang makikinabang.

Facebook Comments