Senador Sonny Angara, itinalaga ni Pangulong Marcos bilang bagong kalihim ng DepEd

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Senador Sonny Angara bilang bagong kalihim ng Department of Education (DepEd).

Ito’y kasunod ng pagbibitiw ni Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary noong June 19.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), si Senador Angara ay may malawak na karanasan sa batas na nagtaguyod ng makabuluhang mga repormang pang-edukasyon mula noong napabilang sa Senado ng noong 2013.


Kabilang sa kanyang legislative achievement ang Universal Access to Quality Tertiary Education Act at ang Enhanced Basic Education Act of 2013 o K to 12.

Facebook Comments