Senador, suportado ang pagpapatalsik ng NPC sa partido; mga maling gawain ng mga nasa gobyerno, patuloy na sisiyasatin

Tiniyak ni Senator Sherwin Gatchalian ang patuloy na pagsisiyasat sa mga maling gawain ng mga nasa gobyerno, sila man ay kapartido o hindi.

Ito ang pahayag ni Gatchalian kasunod ng desisyon ng Nationalist People’s Coalition (NPC) na tuluyang patalsikin na sa partido si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sinusuportahan ng senador na myembro ng NPC Advisory Council ang pasya ng buong partido na alisin si Guo.


Magiging mahirap aniya para sa mga myembro ng NPC na mamahala ng may integridad at katapatan kung mismong sila ay hindi nila madisiplina ang mga sarili at mga kapwa members.

Giit ni Gatchalian, malinaw na nagsinungaling si Guo sa kanyang tunay na pagkakilanlan gayundin sa kanyang pagkakasangkot sa POGO operation sa Tarlac na sangkot sa iba’t ibang criminal activities.

Aniya, nilabag ni Guo ang “core values” ng NPC na integridad, katapatan at pagkamakabayan.

Facebook Comments