Tahasang tinawag na “puting unggoy” ni Senator Jinggoy Estrada ang mga taga-International Criminal Court (ICC) na gustong mag-imbestiga sa drug war ng dating Duterte administration.
Sa sesyon ng plenaryo sinabi ni Estrada na hindi dapat sumunod at hindi dapat papasukin ng bansa ang sinumang pontio pilatong prosecutor at mga puting unggoy mula sa ICC.
Giit ng senador, hindi kailangang mag-imbestiga ng ICC dahil gumagana naman ang justice system ng bansa.
Bukod dito, sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos na ang panghihimasok ng ICC ay “intrusion” at banta sa soberenya ng bansa.
Bago ang pahayag na ito ni Estrada sa plenaryo ay naunang nag-privilege speech si Senator Robin Padilla na kinukundena ang pagpipilit ng ICC na magsiyasat sa drug war ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.