Tiniyak ni Senator JV Ejercito na hindi mamadaliin ng Senado ang pagtalakay at pag-apruba sa Resolution of Both Houses No. 6.
Hindi ito tulad sa Kamara na sa Marso ay target na maipasa ang bersyon ng panukalang pag-amyenda sa economic provisions ng konstitusyon.
Ayon kay Ejercito, napakahirap na madaliin ang pagamyenda sa konstitusyon dahil wala dapat puwang ang pagkakamali rito.
Pakiusap ng senador sa Kamara ay hayaan silang mga senador na tapusin ang pagdinig sa constitutional amendments ng economic provisions alinsunod na rin sa naging unang usapan noong Enero sa harap ng pangulo.
Naniniwala rin si Ejercito na bagama’t bukas siya sa pag-amyenda ng konstitusyon kailangan ng tamang timing o pagkakataon para sa charter change upang hindi masira ang efforts ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagpapasok ng mga foreign investments at maiwasan ang uncertainty o kawalang katiyakan na makakaapekto sa katatagan ng pulitika at ekonomiya ng bansa.