Nangako si Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes Chairman Senator Robinhood Padilla na haharangin ang anumang pagtatangka na isingit ang “self-serving” na agenda sa pag-amyenda sa Saligang Batas.
Sa kabila na rin ito ng muling pagbuhay ni Padilla na amyendahan ang political provision ng Konstitusyon habang ang Kamara naman ay pagamyenda naman sa economic provisions ang isinusulong.
Ayon kay Padilla, mismong si Pangulong Bongbong Marcos ay nagbigay ng direktiba na silipin ang economic provisions ng Saligang Batas at pagaralan na maalis ang economic restrictions sa bansa.
Apela ng senador na sa pagbabalik ng sesyon sa ikatlong linggo ng Enero ay maharap na ang usaping ito sa plenaryo.
Pagtitiyak ni Padilla, kung tatalakayin ang economic provisions ay haharangin niya ang anumang pagtatangka na magsingit ng political amendments dito.
Samantala, bukod sa amyenda sa 1987 Constitution ilan sa mga itinutulak ni Padilla ngayong taon ang mapagusapan sa Mataas na Kapulungan ang legalisasyon ng medical cannabis, diborsyo sa bansa at ang sibilisadong pagtugon sa mga isyu at tensyon sa West Philippine Sea.