Senador, tiniyak na isusulong ang pagbabawal sa online gambling sa bansa

Tiniyak ni Senator Alan Peter Cayetano na isusulong sa Senado na ipagbawal ang lahat ng uri ng online gambling sa bansa.

Kasunod ito ng pagpabor ni Cayetano sa pagpapalawig ni Pangulong Bongbong Marcos sa suspensyon ng e-sabong sa buong bansa.

Naniniwala ang senador na tama lamang na panatilihin ang suspensyon ng e-sabong para maprotektahan ang kapakanan ng mga mamamayan laban sa epekto ng nasabing online gambling.


Bunsod nito ay nangako si Cayetano na ipagpapatuloy ang kanyang kampanya na matigil na ang lahat ng uri ng online gambling at hindi lang ang e-sabong.

Humingi naman ng tulong si Cayetano sa simbahan at sa mga religious leaders na ituloy lang ang pagpapangaral tungkol sa kasamaang dulot ng e-sabong at balaan ang publiko sa masamang epekto ng online gambling.

Facebook Comments