Senador, tiniyak na maiuuwi sa bansa si FPRRD

Sinisikap ni Senator Imee Marcos na sa lalong madaling panahon ay maiuuwi rin sa Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakapiit ngayon sa The Hague, The Netherlands.

Ito ang pahayag ni Sen. Marcos sa kanyang social media post matapos ang pakikipagkita at pakikipagpulong kay Atty. Nicholas Kaufman, ang legal counsel ni dating Pangulong Duterte sa mga kaso nito sa International Criminal Court (ICC).

Magkasamang nagtungo sa The Hague si Sen. Marcos kasama si Vice President Sara Duterte.

Sinabi ni Sen. Marcos kay VP Sara na higit kanino man ay batid niya ang pakiramdam ng mawalay sa sariling bayan dahil naranasan nila ito noong mapatalsik sa pwesto ang kanyang amang dating pangulo.

Simula’t sapul ay alam aniya ng bise presidente ang laman ng kanyang puso patungkol sa hindi katanggap-tanggap na sinapit ni FPRRD.

Paliwanag pa ng senadora, nagtungo siya sa The Hague hindi para magdrama kundi para humanap ng solusyon at umaksyon sa sitwasyon ng dating pangulo.

Facebook Comments