Senador, tiniyak na uunahin ang mga panukala para sa pangangailangan ng publiko

Tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagsusulong ng mga serbisyong ipaprayoridad ang pangangailangan ng mga mamamayan.

Ito ang binigyang garantiya ni Go matapos manguna sa pinakahuling Social Weather Stations (SWS) survey ngayong Marso.

Ayon kay Go, taos-puso siyang nagpapasalamat sa mga kababayan sa patuloy na tiwala sa kanyang paglilingkod.


Binigyang-diin ng senador na patuloy na magiging kaakibat ng kanyang serbisyo ang sipag, malasakit at hindi niya sasayangin ang ibinibigay na pagkakataon.

Tiniyak din ng mambabatas na sa kabila ng mga nangyayari ngayon sa bansa ay itutuloy niya ang pagsusulong ng mga pro-poor na mga batas at programa para mailapit ang serbisyong medikal sa mga kababayan lalo na sa mga mahihirap na pasyente.

Facebook Comments