Senador, tiwalang ipaglalaban ng administrasyong Marcos ang karapatan ng bansa sa WPS

Malaki ang tiwala ni Senator Christopher “Bong” Go na ipaglalaban ni Pangulong Bongbong Marcos ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang reaksyon ni Go kasunod ng insidente ng pagtutok ng Chinese Coast Guard (CCG) ng military grade laser sa tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) na nagsasagawa lang ng re-supply mission sa Ayungin Shoal.

Ayon kay Go, dapat na mabilis na kumilos ang pamahalaan na gawin ang mga paraan para hindi na maulit ang kapahamakang ginawa ng China sa ating mga coast guard.


Giit pa ng senador, marapat lamang na ipaglaban kung anuman ang para sa Pilipinas lalo’t kilala naman ang mga Pilipino na matatapang at palaban.

Aniya pa, kung madadaan sa diplomatikong paguusap ang nasabing problema ay mas makabubuti upang hindi na lumaki at walang ibang madadamay.

Pero giit ni Go, dapat na ipilit ng pamahalaan sa China ang “The Hague Ruling” na sakop at pagaari ng Pilipinas ang WPS.

Facebook Comments