Senador Trillanes, tinawag na magaling sa pagsisinungaling ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na naperpekto na ni Senador Antonio Trillanes IV ang pagsisinungaling.
Ganito isinalarawn ni Pangulong Duterte ang Senador dahil narin sa patuloy na akusasyon nito sa pamilya ng Pangulo na umano’y mayroong tagong yaman at miyembro pa umano ng isang malaking drug syndicate.
Ayon kay Pangulong Duterte hindi niya papatulan ang hamon ni Trillanes na lumagda ng bank secrecy law waiver dahil dapat aniyang paghirapan ng senador na mangalap ng ebidensya para patunayan ang kanyang mga paratang sa kanya.
Kaya naman sinabi ng Pangulo na na-master na ni Trillanes ang art of lying sa harap ng Senador na bank accounts ng Pangulo na naglalaman umano ng milyon-milyong piso.
Binigyang diin naman ng Pangulo na siya ay kikilos para para patunayan ang mga sinabi nitong bank accounts ni Trillanes na nasa labas ng bansa at ibubunyag ito sa tamang panahon.

Facebook Comments