Senador, umaasa sa mabilis na pag-apruba sa pinal na pagbasa ng pambansang pondo para sa 2026

Umaasa si Senator Sherwin Gatchalian na magiging mabilis na lamang ang pinal na pag-apruba ng Senado sa pambansang pondo para sa 2026.

Ayon kay Gatchalian, umaasa siyang mabilis na lamang ang gagawing pag-apruba sa P6.793-T General Appropriations Bill (GAB) sa ikatlo at huling pagbasa dahil karamihan ng mga tanong ng mga senador sa budget interpellation ay nasagot na.

Maliban dito, ang hinihingi nina Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Senator Joel Villanueva na detalye ng mga amendments at kung bakit may unprogrammed funds pa ay nakapaloob na rin sa ipinadalang apat na volume ng kopya ng 2026 GAB sa mga senador.

Kapag nailusot na ang pambansang pondo sa ikatlo at huling pagbasa, ay agad itong i-u-upload sa website, at makikita na ng publiko ang kopya ng inaprubahang pondo.

Target naman ni Gatchalian na tapusin sa loob ng tatlong araw ang bicameral conference committee ng budget, mula December 11 hanggang 13.

Facebook Comments