Senador, umaasa sa mabilis na pagsasabatas ng panukala para sa kapakanan ng mga kabilang sa “Gig Economy”

Umaasa si Senator Risa Hontiveros na makakatulong para sa mabilis na pagsasabatas ng panukala para sa mga manggagawa ng “gig economy” ang naging desisyon ng Korte Suprema na paburan ang mga na-dismiss na delivery riders.

Sa naging desisyon ng Supreme Court, ang limang inalis na delivery riders ng Lazada ay ipinababalik at idinedeklarang empleyado ng nasabing kumpanya at ipinapabigay din ang mga sahod at benepisyo ng mga ito.

Ayon kay Hontiveros, tagumpay at inspirasyon sa lahat ng mga delivery riders ang ibinabang desisyon na ito ng Korte Suprema.


Dahil rin aniya sa desisyon ng kataas-taasang hukuman ay umaasa ang senadora na mapapabilis ang pagsasabatas sa panukalang “Protektadong Online Workers, Entrepreneurs, Riders at Raketera (POWERR) Act”.

Ang nasabing panukala ang siyang magsisilbing gabay para sa “security of tenure”, at pagbibigay ng mga nararapat na benepisyo tulad ng SSS, PAGIBIG, maternity leave, insurance at iba pa.

Facebook Comments