
Umaasa si Senator Lito Lapid na mapatunayan sa huli na walang kasalanan ang kanyang mga kapwa mambabatas na nadadawit sa katiwalian ng flood control projects.
Ayon kay Lapid, ikinalulungkot niya na mga kaibigan at kasamahan niya sa Senado ang nakakaladkad sa isyu at sana ay hindi totoo ang mga paratang sa kanila.
Giit pa ng senador sa mga maanomalyang flood control projects, ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nagpatupad nito at hindi ang mga mambabatas.
Dagdag pa ni Lapid, hindi naman dumadaan sa kanila ang pondo rito at may mga local officials na nagrerequest tulad na lamang ng farm-to-market roads at malinaw na hindi sila ang nagpapatupad ng proyekto.
Nang matanong naman si Lapid kung ano ang masasabi sa mga nagbibitiw na commissioner sa ICI, sinabi ng senador na gusto niyang siya na lamang ang tanungin ng komisyon.









