Senador, umaasang tuluyang maibabasura ang iba pang natitirang kaso ni dating Sen. Leila de Lima

Umaasa si Senator Risa Hontiveros na maibabasura na rin ang mga natitira pang kaso laban kay dating Senator Leila de Lima.

Kaugnay dito ay ikinagalak ng husto ni Hontiveros na sa wakas matapos ang anim na taon na pakikipaglaban ay nakapag-pyansa at nakaalis na rin sa detensyon ang kanyang kaibigan na si de Lima.

Ayon kay Hontiveros, ang paglaya ni de Lima mula sa kulungan sa pamamagitan ng pagpyansa ay simula pa lamang ng pagwawakas ng kahiya-hiyang yugto ng demokrasya sa bansa.


Nakakalungkot lamang aniya dahil hindi na mababawi ang maraming taon na ninakaw at ipinagkait sa dating senadora dahil lamang sa kasinungalingan ng iilan.

Sa kabilang banda ay umaasa si Hontiveros na maibabasura rin sa lalong madaling panahon ang mga natitirang criminal charges laban kay de Lima na may kinalaman sa illegal drug trade sa Bilibid.

Facebook Comments