Pinalagan ni Senate President Pro-Tempore Jinggoy Estrada ang pahayag ng Chinese Defense Minister na nagdudulot ng tensyon ang suportang ibinibigay ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Sa Shangri-La Defense Forum sa Singapore na dinaluhan ni Pangulong Bongbong Marcos ay inakusahan ni Chinese Defense Minister Dong Jun ang Amerika na nagdudulot ng tensyon ang suportang ibinibigay sa Pilipinas at sa Taiwan.
Iginiit naman ni Estrada na ang isinasagawang balikatan exercises sa pagitan ng Pilipinas at US ay hindi isang paghahanda sa giyera.
Sinuportahan ng senador ang paggiit ni Pangulong Marcos Jr., sa karapatan ng bansa sa West Philippine Sea na aniya’y kalmado at hindi palaban.
Kasama rin ng Pangulo sa naturang forum si Estrada dahil personal siyang naimbitahan din ng mga organizer ng naturang event.