
Kinukondena ni Senator Imee Marcos ang mga negosyanteng patuloy na nagmamanipula ng presyo ng karneng baboy.
Tinukoy ni Marcos na ang presyo ngayon sa palengke ng kada kilo ng baboy ay pumapalo sa P375 hanggang P426.
Ikinadismaya ng senadora ang pagmamanipula ng mga negosyante sa presyo ng karneng baboy dahil ito ay nabibili lamang sa mga magsasaka sa farmgate price na P200 hanggang P220.
Bunsod nito ay sinusuportahan ni Sen. Marcos ang plano ng Department of Agriculture (DA) na magpataw ng suggested retail price (SRP) hindi lamang sa retail prices kundi pati na rin sa farmgate at trader prices.
Pinabubuhay rin ng mambabatas sa DA ang Price and Volume Watch para regular na ma-monitor ang lahat ng bahagi ng value chain ng karneng baboy at maiwasan ang patuloy na paglobo sa presyo.