Hiniling ni Senator Christopher “Bong” Go sa Kongreso ang pagpapasa sa mga panukalang batas na magpapaigi sa buhay ng mga empleyado at manggagawa sa bansa.
Kabilang dito ang Senate Bill 420 na layong i-institutionalize ang isang short-term employment program para sa mga eligible individuals na mula sa mga underprivileged households na nakabinbin pa rin hanggang ngayon sa komite.
Pinaaaksyunan na rin ni Go sa Kamara ang Senate Bill No. 2534, na naglalayong itaas ang pang-araw-araw na minimum na sahod ng P100 sa buong bansa matapos itong makalusot na sa Senado.
Nais ng senador na mabigyang kaluwagan at sa pamamagitan ng mga panukalang batas na ito ay maibsan ang hirap ng mga tao sa pananalapi.
Ginawa ito ng senador sa pagpunta sa lalawigan ng Quezon kung saan katuwang ang lokal na pamahalaan doon at Department of Labor and Employment (DOLE) ay namahagi sila ng mga kinakailangang tulong at financial support para sa mga displaced workers at mga barangay health workers, local government frontliners at mga nasa urban poor sector.