Senador, umapela na itigil ang pagkakalat ng storya na kinakanlong ni dating PRRD si Pastor Apollo Quiboloy

Nanawagan si Senator Ronald ‘Bato’ dela Rosa na tigilan na ang paggawa ng storya na kinakanlong o itinatago ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Pastor Apollo Quiboloy.

Giit ni Dela Rosa, hindi ito magagawa ni Duterte na dating Pangulo na isang abogado at dating piskal dahil batid niyang paglabag sa batas ang magtago ng isang pugante.

Pareho aniya sila ni dating PRRD ng payo kay Quiboloy at ito ay harapin na ang kanyang kaso dahil kahit saan pa magtago ang religious leader ay hindi na nito maiiwasan ang batas lalo’t may warrant of arrest na ito mula sa Korte.


Payo pa niya kay Quiboloy na mayroon namang hustisya at hayaang gumulong ito para matapos na rin ang gulo.

Nagbabala naman si Dela Rosa na may kakaharapin na kaso ang sinumang nagtatago o nagkakanlong ng mga pugante.

Facebook Comments