
Nanawagan si Senator Robinhood Padilla na tigilan na ang usaping impeachment laban kay Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte.
Giit ni Padilla, ngayong 20th Congress ay napakaraming dapat na tapusin ng Senado at Kamara kabilang ang mga panukalang may kinalaman sa pang-araw-araw na buhay ng mga ordinaryong Pilipino.
Hiniling ng senador na ihinto na rin ang pamumulitika dahil sukang-suka naman ang lahat sa walang katapusang pagaaway at agawan ng kapangyarihan.
Hinimok din ni Padilla na tandaan ang mga mukha ng mga nagpapagulo sa bayan.
Ikinadismaya pa ng mambabatas na wala nang ginawa ang bansa kundi ang mangutang ng mangutang at wala pang naibibigay na pagasenso sa mga kababayan mula nang magrebolusyon noong 1896 hanggang 1986.










