Friday, March 20, 2026

Senador, umapela sa BSP na kumilos na sa patuloy na pagbagsak ng piso kontra dolyar

Umapela si Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies Chairman Senator Joel Villanueva sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na maglatag ng mga hakbang para tugunan ang pagbagsak ng piso kontra dolyar.

Kahapon ay sumadsad sa ₱60.1 ang palitan ng piso kada US dollar habang nagpapatuloy ang giyera sa Middle East.

Panawagan ni Villanueva sa BSP na magtakda ng mga kinakailangang hakbang upang manatili sa manageable level ang exchange rate ng piso sa dolyar.

Sa puntong ito, maaari aniyang magbenepisyo ang mga pamilya ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) dahil mas mataas ang palitan, ngunit matindi naman ang pangamba sa epekto nito sa pagtaas ng halaga ng mga utang ng bansa na nakabatay sa dolyar.

Maliban pa ito sa epekto ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin kaya’t wala ring pupuntahan ang mas mataas na pinagpalitan ng mga pamilya ng OFW.

Sa kabila ng nagpapatuloy na tensyon sa Middle East, umaasa ang senador na maging matatag pa rin ang piso at makarekober din sa kalaunan.

Facebook Comments