Senador, umapela sa DOH na suriin ang sitwasyon ng COVID-19 sa China

Iminungkahi ni Senator Christopher ‘Bong’ Go sa Department of Health (DOH) na suriin din ang sitwasyon ng COVID-19 sa China upang agad na matugunan ang posibleng maging epekto sa bansa.

Kaugnay na rin ito sa pagkalat ng bagong subvariant na BF.7 sa China na mas nakakahawa at mas mabilis na kumalat.

Sinabi ni Go na dapat ay ‘one step ahead’ o advance ang bansa sa gitna ng naglalabasang bagong subvariants ng COVID-19 at hindi dapat maging kumpyansa sa ating sitwasyon.


Muli ring nanawagan ang senador sa publiko na kung hindi naman sagabal ay magsuot pa rin ng face mask lalo’t hindi naman agad malalaman ng sinuman kung sino ang may dala ng virus.

Umapela rin ang senador sa health authorities na pag-aralan nang mabuti kung dapat na umatras o umabante sa ipinatutupad na mga health protocols.

Ipinaalala ni Go na mahalaga ang kalusugan at buhay ng bawat Pilipino dahil walang part 2 ang buhay at delikado pa rin ang sitwasyon habang andyan pa ang COVID-19.

Facebook Comments