Nanawagan si Senator Sherwin Gatchalian sa pamahalaan na magsilbing paalala ang kaso ni Mary Jane Veloso para bigyan ng karampatang proteksyon ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon kay Gatchalian, ang naging kalagayan ni Veloso ay pagpapakita ng paghihirap ng marami sa mga OFWs para lamang magkaroon ng isang magandang kinabukasan.
Binigyang-diin ng mambabatas na ang dinanas ni Mary Jane ay nagpapakita na kailangan nang lumikha ng mas maraming employment opportunities para sa mga kababaihan tulad ni Mary Jane.
Pinuri ng senador ang pagsisikap ng pamahalaan, human rights groups at labor groups na nagtrabaho talaga para maibalik ng ligtas si Veloso sa bansa.
Ikinatuwa rin ni Gatchalian na nakapiling ngayong holiday ni Mary Jane ang kanyang pamilya.