Senador, umapela sa lahat na bigyang pagkakataon na magluksa ang pamilyang Cabral

Hinimok ni Senator Jinggoy Estrada ang publiko na bigyan ng sapat na panahon at espasyo ang naiwang pamilya ni dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Undersecretary Maria Catalina Cabral upang makapagluksa.

Si Cabral ay natagpuang walang buhay sa Bued River, malapit sa Kennon Road, noong Huwebes ng gabi.

Ayon kay Estrada, sa kabila ng mga isyung kinasasangkutan ni Cabral kaugnay ng umano’y anomalya sa mga flood control project, hindi dapat kalimutan na may isang buhay na nawala.

Nararapat lamang aniya na igalang at unawain ang pamilya ni Cabral sa panahong ito ng dalamhati, at bigyan sila ng kapayapaan habang hinaharap ang pagkawala ng kanilang mahal sa buhay.

Samantala, nagpahayag naman ng panghihinayang ang ilang senador sa mga impormasyong maaari pa sanang maibahagi ni Cabral na makatutulong sa patuloy na imbestigasyon sa mga maanomalyang flood control projects ng DPWH.

Facebook Comments