
Nanawagan si Senator Migz Zubiri sa mga celebrities sa bansa na kusang mag-pull out na sa kanilang mga ineendorsong online gambling.
Oras na maging ganap na batas ang panukalang total ban ng online gambling sa bansa, tuluyan ding ipagbabawal ang pag-e-endorso ng mga artista.
Pero habang wala pa ang batas, personal na umaapela si Zubiri sa mga celebrities na huwag nang gamitin ang posisyon para manghikayat pa ng mga malululong sa online gaming.
Umaapela rin si Zubiri sa mga advertising companies na alisin na rin ang naglalakihang billboards at posters na nagkalat ngayon sa EDSA.
Samantala, bagama’t hindi tinukoy ng senador, alam niyang may ilang mambabatas na maimpluwensya at makapangyarihan na ang negosyo ay online gaming industry.
Facebook Comments









