Hinimok ni Health Committee Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang publiko, na boluntaryong magsuot ng facemask lalo na kung kinakailangan.
Partikular ang panawagan ni Go, sa pagsusuot ng facemask sa mga high-risk individuals at may mga comorbidities o existing na karamdaman.
Tinukoy ni Go ang pagtaas sa 36% ng bilang ng kaso ng mga nagkakasakit ng COVID-19, gayundin ang kapansin-pansin na pagtaas ng mga kaso ng pneumonia at influenza sa bansa.
Punto ni Go, mula nang alisin ang state of public health emergency dahil sa COVID-19 ay nananatili pa rin naman ang polisiya ng gobyerno patungkol sa pagsusuot ng facemask kung saan boluntaryo pa rin ito maliban sa mga healthcare facilities at iba pang lugar na inoobliga ang pagsusuot ng facemask.
Dagdag pa ni Go, mahigit dalawang taon naman tayong naging disiplinado sa pagsusuot ng facemask at parang rehearsal na lang din kung gagawin natin ulit ito para pagingatan ang kalusugan ng bawat isa.