Senador, umapela sa Senado na siyasatin ang isyu ng paggamit ng DepEd sa ₱112 million confidential fund

Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa Senate Select Committee on Confidential and Intelligence Fund, Programs and Activities na silipin ang isyu ng paggamit ng P112 million na confidential fund ng Department of Education (DepEd).

Sa kabila kasi ng liquidation ng nasabing pondo sa ilalim ng dating kalihim ng ahensya na si Vice President Sara Duterte, hindi naman batid ng mga opisyal ng DepEd kung paano at saan ginastos ang confidential fund.

Apela ni Hontiveros sa naturang komite na imbestigahan ang isyung ito habang pinapa-update rin sa Commission on Audit (COA) ang tungkol sa paggamit ng CIF.


Aniya, kahit na walang request ng CIF sa ilalim ng 2025 DepEd budget si Education Secretary Sonny Angara, bilyong piso pa rin ang halaga ng hiling na pondo para sa CIF ng iba’t ibang ahensya.

Giit ni Hontiveros, hindi maaaring maghugas kamay ang ilang opisyal ng ahensya sa paggamit ng confidential fund at kung hindi wasto ang paggugol dito ay dapat na managot ang sinumang may partisipasyon sa maling paggamit ng CIF.

Facebook Comments