Walang nakikitang problema si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa mga karagdagang EDCA sites sa bansa.
Una rito ay inanunsyo ng Malakanyang ang apat na karagdagang EDCA sites kung saan bibigyan ng access ang puwersang militar ng Amerika sa mga sumusunod; Naval Base Camilo Osias sa Sta. Ana, Cagayan; Lal-lo Airport sa Lal-lo, Cagayan; Camp Melchor Dela Cruz sa Gamu, Isabela; at Balabac Island sa Palawan.
Ayon kay Dela Rosa, ayos lamang ang dagdag na EDCA sites basta’t ito ay nasa loob ng Philippine Military Camp.
Gayundin basta’t ang access sa naturang EDCA sites ay kontrolado ng Philippine military.
Sinabi pa ni Dela Rosa sa pagdinig ng Senado, na batay sa pahayag ng Department of National Defense (DND), ang Armed Forces of the Philippines (AFP) pa rin ang may full control sa karagdagang EDCA sites.