Nag-concede na si Senador Grace Poe sa pampanguluhang halalan.Sa isang press conference kagabi, sinabi ni Poe na kanyang iginagalang ang resulta ng botohan at ipinapangako ang pakikiisa sa paghilom ng bansa para sa pag-unlad ng bayan.Bago ang pag-concede, kinausap muna ni Poe si Mayor Rodrigo Duterte para ito ay i-congratulate.Sa ngayon, pagtutuunan ng pansin ni poe ang pagtuloy ng kaniyang trabaho sa Senado.MANILA – Kahit nalulungkot anya ay tanggap naman ng kaniyang pamilya ang resulta ng halalan.Sa pinakahuling tally ng partial unofficial results ng botohan, nasa ikatlong puwesto si Poe.Nangunguna pa rin si Duterte habang nasa ikalawang puwesto ang standard bearer ng Liberal Party na si Mar Roxas.Samantala… Pinabulaanan naman ng kampo ni Vice President Jejomar Binay na nagbigay daan na siya kay Mayor Duterte sa pagkapangulo.Ito’y matapos kumalat sa social media ang official statement ng bise presidente na nagsasabing nirerespeto nito ang magiging resulta ng botohan.Ayon sa tagapagsalita ni VP Binay na si Attorney Rico Quicho, walang katotohanan na sumuko na si Binay sa karera.Giit ni Quicho, antayin nalang ang magiging pinal na resulta ng botohan para mapanatili ang integridad ng eleksyon.Kasalukuyang nasa ika-apat na pwesto si Binay sa mga isinasagawang partial at unofficial tally mula sa transparency server ng Comelec.
Senadora Grace Poe, Nag-Concede Na Sa Kandidatura Sa Pagka-Pangulo
Facebook Comments