MANILA – Pinal nang pinayagan ng Korte Suprema si Senadora Grace Poe na tumakbo sa pagka-pangulo.Sa unang araw ng en banc session ng mga mahistrado ng SC, tuluyang ibinasura ang tatlong motion for reconsideration laban sa March 8 ruling nito na pabor sa pagtakbo ni Poe sa eleksyon.Hindi pinaboran ng Korte Suprema ang apela ng Comelec at joint appeal ni dating Government Service Insurance System Chief Legal Counsel Estrella Elamparo, dating University of the East Law Dean Amado Valdez, dating Sen. Francisco “Kit” Tatad, at De La Salle University Professor Antonio Contreras.Ayon kay Court Spokesperson Theodore Te, maglalabas ng opisyal na pahayag sa Abril 9 kaugnay sa naging desisyon, isang buwan bago ang araw ng halalan.Maglalabas din ng magkakahiwalay na opinions ang mga justices kapag nailabas na ang desisyon.
Senadora Grace Poe, Pinal Nang Pinayagan Ng Korte Suprema Na Tumakbo Sa Pagka-Pangulo
Facebook Comments