Ipinag-utos na ni Philippine National Police Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang malalimang imbestigasyon sa tangkang pagtakas ng tatlong Person Under PNP Custody (PUPC) sa custodial facility kung saan nakakulang si Senator Leila de Lima.
Kinilala ang tatlong PUPC na sina Arnel Cabintoy, Idang Susukan at Feliciano Sulayao Jr.
Batay sa inisyal na ulat, nangyari ang insidente alas-6:30 kaninang umaga kung saan naghahatid ng pagkain si Police Corporal Roger Agustin sa Maximum Compound nang bigla siyang saksakin ng improvised na kutsilyo ng tatlong preso.
Nabaril ng kabaro ni Agustin sina Cabintoy at Susukan habang tumakbo sa selda ni De Lima si Sulayao saka hinostage ang senadora.
Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Special Action Force at na-neutralized si Sulayao.
Ligtas na ang senadora habang isinugod sa ospital ang nasaksak na pulis.
Patay naman ang tatlong PUPC na may mga pending na kasong kriminal gaya ng murder, frustraded murder at kidnapping and illegal detention.