MANILA – Naniniwala si Sen. Leila De Lima na kapag may masamang nangyari sa kanya ay walang ibang dapat sisihin kundi si Pangulong Rodrigo Duterte.Ayon kay De Lima, seryosong bagay ang mga binibitawang salita ng pangulo at hindi niya ito kayang ipagwalang bahala.Giit pa ng senadora, si Pangulong Duterte lang naman ang nagbabanta sa kanya kaya wala na siyang ibang sisisihin kundi ang panguloKasabay nito, balak din ni De Lima na maghain ng petisyon para sa writ of amparo sa susunod na linggo para protektahan ang kanyang sarili.Kapag natuloy, ito na ang ikalawang petisyon ni De Lima sa Korte Suprema laban mismo kay Pangulong Duterte.Sa naturang petisyon, maliban kay P-Duterte ay papapanagutin din ni De Lima Sina Justice Sec. Vitaliano Aguirre at Solicitor General Jose Calida na minsang tinawag siyang “public enemy number 1”.Ang writ of amparo ay proteksyon sa karapatang mabuhay at seguridad laban sa banta para sa isang government official o empleyado o ng isang pribadong indibidwal.Hinamon pa ng senadora ang gobyerno na hulihin ang mga totoong drug lord.Tulad aniya ni Peter Lim na ilang beses nang idinawit bilang big time drug lord at ni Kerwin Espinosa na ngayon ay nasa ilalim ng witness protection program.
Senadora Leila De Lima, Humingi Ng Proteksyon Sa Korte Suprema Dahil Itinuturing Niyang Banta Sa Kanyang Buhay Ang Mga P
Facebook Comments