Senadora Leila De Lima, Kinumpirma Ang Pagdalo Sa Pagdinig Ng Senado Bukas – Kerwin Espinosa, Gigisahin

5

MANILA – Kinumpirma ni Senadora Leila De Lima ang pagdalo nito sa Senate inquiry bukas kung saan haharap ang tinaguriang drug lord ng Eastern Visayas na si Kerwin Espinosa.Ayon sa Senadora – bagama’t alam niya ididiin siya ni Espinosa sa isyu ng pagtanggap ng drug money, mahalaga pa rin aniya na marinig niya mismo ang mga detalyeng hawak nito.Naniniwala siya na sa pamamagitan ng sariling pahayag ni Espinosa ay doon lamang niya ito maaaring mapiga at mapanagot kung mapapatunayang nagsisinungaling ito para idamay siya sa kaso.Matatandaang si De Lima ang isa sa dalawang Senador na pinangalanan ni Kerwin sa kanyang affidavit, base na rin sa kumpirmasyon ni Senator Manny Pacquiao.Umaasa naman ang Senadora na paiiralin ng mga kasamahan niya sa komite ang professionalism ng mga ito sa pagdinig.

Facebook Comments