Senadora Leila de Lima, pinayagan na makatanggap ng bisita ngayong pasko at bagong taon

Manila, Philippines – Pinayagan ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame na makatanggap ng bisita si Senador Leila de Lima sa pasko at bagong taon.

Maaaring tumanggap ng mga bisitang kamag-anak si de Lima sa Disyembre 24 hanggang ala-1 ng madaling araw ng disyembre 25 at sa mismong araw ng pasko mula alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.

Mabibista rin ang senador mula bisperas ng bagong taon hanggang ala-1 ng enero 1 at maaari rin silang bumalik ng alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon.


Si de Lima ay nakulong matapos akusahan sa kalakaran ng ilegal na droga sa loob ng New Bilibid Prison.

Mariin naman itong tinatanggi ni de Lima at sinabing ginigipit lamang siya ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa pagtuligsa niya sa kontrobersiyal na “war on drugs.”

Facebook Comments