Senadora Leila De Lima, tinawag na ‘Reyna ng Impyerno’ ni Pangulong Rodrigo Duterte

76
Manila, Philippines – Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘Reyna ng Impyerno’ si Senadora Leila De Lima.
 
Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na batid niyang sa impiyerno ang kaniyang punta.
 
Pero mayroon aniya siyang hihintayin, ang nakadetine na si Senadora Leila De Lima.
 
Sa kaniyang talumpati sa Filipino community sa Royal Thai Navy Headquarters sa Thailand, binatikos ng pangulo ang mga kasalanan ni De Lima kaugnay sa pagkakasangkot sa kalakaran ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.
 
 
Nilinaw rin ni Duterte na hindi siya nag-iimbento ng kaso lalo na sa babae.
 
Hindi rin nakaligtas sa mga patutsada ni Duterte ang mga sulat-kamay na pahayag na ginagawa ni De Lima, at ang pagdalaw ng aso nito sa loob ng kulungan.
 
 

Facebook Comments