Senadora Miriam Defensor-Santiago, Ilalabas Na Ng Icu Ngayong Araw

4

MANILA – Bumubuti na ang lagay ng kalusugan ni Senadora Miriam Defensor-Santiago.Una na itong dinala sa Intensive Care Unit (ICU) kahapon kung saan nanatili ng ilang oras.Sa ngayon ay ibabalik na ang senadora sa private room mula sa ICU.Una ng napaulat na isinugod sa Makati Medical Center si Santiago noong Lunes sakay ng isang ambulansya dahil sa kumplikasyon ng kanyang lung cancer.Agad rin nagpasalamat ang nabanggit na opisyal sa kanyang mga kaibigan at mga taga suporta na patuloy na nagdarsal para sa kanyang kaligtasan at fast recovery.

Facebook Comments