Nakatikim ng salita mula kay Senator Imee Marcos ang National Food Authority (NFA).
Ito ay dahil sa kabiguan ng ahensya na bumili ng mga bigas mula sa mga lokal na magsasaka sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa.
Ayon sa senadora, napakasimple lang sana ng problema kung binili ng NFA ang mga local rice.
Nagtataka aniya siya kung bakit puro importasyon ang pinag-uusapan sa gobyerno gayong maraming bigas ang mga lokal na magsasaka na hindi naman maibenta.
Katunayan pa aniya, sinusubukan noon na doblehin ang budget ng NFA dahil ang katwiran ay hindi sila makabili ng local rice pero ngayon na mayroon silang pondo ay hindi naman nila ginagastos at nakatengga lang sa iba’t ibang palayan ang mga lokal na bigas.
Ipinaalala ng mambabatas na ang importation ay hindi dapat gawing dagliang solusyon sa problema at sa halip ay dapat ito’y “last resort” para matiyak ang sapat na suplay ng bigas.