Umaasa si Senator Grace Poe na mabibigyang pagkakataon ang mga transport groups at mga opisyal ng gobyerno na pag-usapan ang pagkakaroon ng patas at makataong modernization program.
Ayon kay Poe, maaari itong gawin sa gitna ng pagpapalawig ng deadline para sa consolidation ng mga prangkisa.
Aniya, sa panahong ito ay umaasa siyang magkakaroon ng kalinawan sa route plans sa pamamagitan ng konsultasyon sa mga apektadong grupo.
Iginiit ni Poe na lahat naman ay nais ng “win-win situation” upang maging maayos ang buhay ng mga maliliit na drivers at operators at mabigyan ng kumbinyenteng transportasyon ang publiko.
Umaasa rin ang senador na aaksyunan ng Korte Suprema ang mga petisyon ng transport groups na magsisilbing gabay sa implementasyon ng modernization program.