Senakulo sa Cainta Rizal, kinansela na ng Alkalde dahil sa ipinatutupad na ECQ

67

Kinansela na ni Cainta Rizal Mayor Kit Nieto amg taunang paggunita ng Senakulo sa Bayan ng Cainta Rizal matapos magkaroon ng positibo ng COVID-19 ang ilang mga residente ng Cainta Rizal.

Ayon kay Mayor Nieto hindi nito pinanghihinayangan na makansela ang pagdaraos ng Senakulo sa Bayan ng Cainta Rizal kung ang kapalit naman ito ay buhay ng bawat residente ng naturang bayan.


Paliwanag ng alkalde maaari namang sa bahay nalamang ipagdaos ang pagnilay nilay at paggunita sa kamatayan ng ating panginoong Hesukristo dahil iniiwasan nito na madapuan o mahawaan ng COVID-19 ang bawat isang residente.

Giit ni Mayor Nieto napakahalaga ang kaligtasan ng bawat mamamayan ng Cainta Rizal kayat nagpasya ang alkalde na ikansela ang pagsasadula ng Senakulo na taunang ginagawa tuwing sasapit ang Semana Santa.

Facebook Comments