Hinain sa Senado nitong Lunes ang panukalang magbibigay ng scholarship grants sa mga estudyanteng gustong mag-aral ng medisina.
Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, layunin ng Senate Bill No. 1 o Medical Scholarship Act madagdagan ang mga doktor sa mga probinsiya at remote areas.
Sa ilalim ng Medical Scholarship Act, maaring i-avail ng mga karapat-dapat na mag-aaral ang mga sumusunod:
- tuition fee
- laboratory and miscellaneous fees
- school supplies and equipment
- required textbooks
- traveling expenses
- board and lodging
- subsistence and living allowances
- clothing and uniform allowances
Kapag naipasa ng 18th Congress ang nasabing panukalang batas, kailangan pumasa sa National Medical Admission Test at entrance exam ng medical schools ng mga estudyanteng hindi kayang tustusan ng pamilya ang kanilang pag-aaral.
Dapat din magtrabaho sa mga pampublikong ospital ang mga scholars sa loob ng limang taon.
Manggagaling sa Department of Health (DOH) at pampublikong pamantasan at kolehiyo ang pondo ng scholarship grants.