Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senador Tg Guingona, Nagbanta Sa Mga Sangkot Sa $81 Million Money Laundering Case

8

MANILA – Nagbanta si Senate Blue Ribbon Committee Chairman Senador TG Guingona sa mga sangkot sa isinasagawang pagdinig ng senado sa $81 million na ninakaw na pera mula sa Bangladesh Bank.Sa interview ng RMN kay Guingona, nag-warning ito sa mga magkakasalungat na pahayag ng mga iniimbestigahan kaugnay sa Anti-Money Laundering Scam.Aniya, posibleng mas mapabigat ang kaso ng mga akusado kapag napatunayang nagsisinungaling sila sa pagdinig ng senado.Matatandaang kahapon ay nadikdik sa hearing si Philrem Owner Salud Bautista dahil sa hindi magkakatugmang mga pahayag nito sa naging transaksyon ng kanyang kumpanya sa ninakaw na pera.Samantala, masasabi ni Guingona na positibo ang nagiging daloy ng pagdinig dahil natutukoy na kung saan napunta at naisasauli ang ilan sa $81 million na dirty money.

Facebook Comments