Senate Blue Ribbon Committee, magbukas ng complaint desk para sa mga reklamo sa serbisyo ng LTO

Maaari nang magsumbong sa Senate Blue Ribbon Committee ang mga may reklamo ukol sa mabagal o tiwaling serbisyo ng Land Transportation Office (LTO).

Ito ay ang www.lingkodgordon.com, na nakapangalan kay Senator Richard Gordon na siyang Chairman ng komite.

Ayon kay Gordon, ang online complaint desk ay kaugnay sa isinasagawang imbestigasyon ng komite ukol sa implementasyon ng Motorcycle Crime Prevention Law.


Sabi ni Gordon, pwede ritong dumulog ang milyon-milyong Pilipinong hindi pa rin nakukuha ang kanilang motorcycle plates hanggang ngayon at ‘yung mga biktima ng mandarambong na motorcycle dealers.

Kapag binuksan ang site ay may form na kailangan para sa reklamo at impormasyon ng complainant na tinitiyak na magiging confidential.

Sa pagdinig ng komite ay lumabas na sa 13 milyong plaka para sa motorsiklo alinsunod sa batas ay isang milyon pa lang ang naipapagawa at sa bilang na ito ay 400,000 pa ang hindi naipapamahagi.

Ikinagalit ito ni Gordon, at sinabing isa ito sa dahilan kaya hindi masawat ang mga krimen na kagagawan ng riding-in-tandem o magka-angkas sa motorsiklo.

Facebook Comments