Posibleng ilabas na ngayong linggo ng Senate Blue Ribbon Committee ang partial report kaugnay sa imbestigasyon sa maanomalyang pagbili ng gobyerno ng P42 billion halaga ng COVID-19 supplies.
Bukas, October 12 ang inaasahang pagdaraos ng ika-12 at huling pagdinig ng komite sa pangunguna ni Senator Richard Grdon.
Ilang araw lamang ito matapos maglabas ng memorandum ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal ang kaniyang mga gabinete na dumalo sa pagdinig.
Maliban sa overpricing, ilan pa sa mga posibleng lumabas sa report ay ang tax liabilities ng mga may-ari ng suppliers ng Pharmally Pharmaceutical Corporation; pagbili ng luxury sports cars at sport utility vehicles; kasong perjury sa may-ari ng kumpanya at kasong graft para sa mga opisyal ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM).