Magpapatawag muli ng pagdinig sa war on drugs ang Senate Blue Ribbon Subcommittee sa susunod na taon
Ayon kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, hindi lamang sila makapagtakda ng hearing ngayong taon dahil walang kapangyarihan ang subcommittee na magpa-cite in contempt ng resource person.
Pero ngayon na inamyendahan na ang rules ng Senado, mula ngayon aniya ay dadalhin na rin ng subcommittee ang prerogative ng mother committee na magpa-cite in contempt.
Kaya naman, tiniyak ni Pimentel na sa susunod na taon, o sa buwan ng Enero ay magpapatawag ulit siya ng pagdinig tungkol sa kampanya kontra iligal na droga.
Siniguro rin ni Pimentel na kanilang uupuan at bubusisiin ng husto ang imbestigasyon lalo na sa sinasabing cash reward sa hanay ng PNP para sa mga mapapatay na drug suspects.