Senate Blue Ribbon Committee, nag-isyu na ng subpoena para kay dating Budget Usec. Lloyd Christopher Lao

277

Nag-isyu na ng subpoena para kay dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao ang Senate Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon.

Nagpatulong ang komite sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) para maipadala kay Lao ang subpoena.

Pinadadalo si Lao sa pagpapatuloy ng pagdinig ng komite sa August 25 ukol sa pagbili ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) ng umano’y overpriced na face masks, face shields at iba pang medical supplies.


Basehan ng pagdinig ang 2020 Commission on Audit (COA) report kaugnay sa naging paggastos ng Department of Health (DOH) sa mahigit P67 billion na pondong pantugon sa COVID-19 pandemic.

Kung hindi dadalo sa Senate Hearing si Lao ay maaring irekomenda ng komite ang pag-contempt at pagpapaaresto sa kanya.

Facebook Comments