Senate Blue Ribbon Committee, pamumunuan na ni Senate President Pro-Tempore Panfilo Lacson

Itinalaga na bilang Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee si Senate President Pro-Tempore Panfilo Lacson.

Kinumpirma ang impormasyon na ito ni Senate President Tito Sotto III matapos ang ginanap na unang caucus sa kanyang pamunuan.

Pinalitan ni Lacson si Senator Rodante Marcoleta sa naturang komite.

Dahil dito, si Lacson na ang mamumuno sa imbestigasyon ng Blue Ribbon sa maanomalyang flood control projects sa bansa.

Paliwanag dito ni Sotto, hindi kasapi ng majority bloc si Marcoleta at ang Blue Ribbon Committee ay nakalaan lamang para sa mayorya.

Hindi rin aniya usapin na kailangang abogado para maging Chairman ng komite dahil wala namang nasasaad nito sa rules ng Blue Ribbon Committee at maging sa pangkalahatan ng Senate rules.

Mananatili naman si Senator Sherwin Gatchalian bilang chairman ng Committee on Finance na siyang mangunguna sa pagbusisi ng panukalang pambansang pondo para sa 2026 dahil bahagi pa rin ito ng mayorya na sumuporta sa kanya.

Facebook Comments