Tinapos ng Senate Blue Ribbon Committee ang mga mahahalagang isyu sa bansa ngayong 2024.
Kabilang na rito ang mga isyu sa repormang pangkalusugan, national security, identity theft, at sports sa pangunguna ng Chairman ng Blue Ribbon na si Senator Pia Cayetano.
Kabilang sa mga imbestigasyon ang paglalantad sa mga katiwalian sa tobacco control matapos gawaran ang Pilipinas ng ikalimang “Dirty Ashtray Award” na mas pumapabor sa industriya ng tabako sa halip na kalusugan ng publiko.
Isa rin sa mga malaking imbestigasyon ng komite ang mga pekeng public document kung saan nadiskubre ang sistematikong pamemeke ng mga birth certificate, pasaporte at iba pang government-issued document na ilegal na ginagamit ng mga dayuhan.
Dagdag din sa tiniyak ng Blue Ribbon ang patuloy na pagtataguyod sa integridad ng sports matapos ipawasto sa Philippine Sports Commission ang pagsunod sa World Anti-Doping Agency (WADA) Code para sa eligibility ng paglahok ng mga atletang Pilipino sa mga international event.