Senate Committee on Banks, iimbesitgahan ang nangyaring aberya sa sistema ng BPI

Manila, Philippines – Iimbestigahan ng Senate Committee on Banks ang nangyaring aberya sa sistema ng BPI o Bank of the Philippine Islands.

Ito ang tugon ni Senador Francis Escudero, chairman ng komite sa panawagan ni Senate President Koko Pimentel na imbestigahan ang pangyayari na nagdulot ng panik sa publiko.

Una rito, magsusumite ng resolusyon sa lalong madaling panahon si Pimentel para sa nasabing imbestigasyon para matiyak na hindi na muling mauulit pa ang nasabing insidente.


Pagtutuunan aniya ng pagdinig ang security protocol ng BPI, pagpapaliwanagin ang mga opisyal nito sa kung ano ang sanhi ng pagkakaroon ng error sa kanilang internal data system.
DZXL558

Facebook Comments